SHE WAS HYACINTH
by Dextoi
Chapters
Prologue - Hypocrites
Chapter 1 - Hyacinth
Chapter 2 - Jordan
Chapter 3 - Serendipity
Chapter 4 - The Prom
Chapter 5 - Sharing their Lives
Chapter 6 - Vague Memories
Chapter 7 - GBS
Chapter 8 - The Lullaby
Chapter 9 - It All Makes Sense Now
Chapter 10 - Pain Crawls In
Chapter 11 - The Live Wake
Epilogue - A New Journey Without Her
Prologue - Hypocrites
All persons fictitious disclaimer - The story, all names, characters, and incidents portrayed in this production are fictitious. No identification with actual persons, places, buildings, and products is intended or should be inferred.
=====o=====o =====o=====o=====o=====o=====o=====o=====o=====
Isang video mula sa YouTube ang pinapakitang pine play: "Hi guys My name is Kat. I'm gonna do the Ice Bucket challenge. For those who I will nominate, you either do the challenge or donate $10 to www.als.com for research and cure for ALS. I nominate my friends Katherine, Benneth, Alvin, Say, Kristhine and Josh! Ok ready? Go!" Sabay binuhos ang isang balde ng yelo sa ulo nya.
"Aaaaaaaaaaaah!"
Black Fade Out
Sa auditorium ng isang sikat na unibersidad sa Amerika ay nag hahanda nang rumolyo ang kamera para sa panayam tungkol sa tunay na buhay ng isang sikat na personalidad sa Pilipinas. Siya ay kinapanayam ng isang sikat na Tsinay reporter na si Maria Angelica Sanidad.
Angel: "Good afternoon. Xiexie ni zai zheli (Thank you for being here) and for accepting our invitation for this interview. "
Guest : "Salamat, Angel."
Angel: "Ang bata mo pala tignan sa personal. How young are you now if I may ask?"
Guest : "I'm 27. Thank you hehe."
Angel: "Oh wow you're too young for your success. Congratulations. Ang galing."
Guest : "Maraming salamat. I appreciate it."
Angel: "You're welcome. So anytime you're ready, maaari mo nang umpisahan ang kwento tungkol sa taong naging inspirasyon mo upang ipagpatuloy mo at mag-succeed ka sa iyong profession."
Guest : "Actually, nothing can ever prepare you for these kinds of interviews eh. Mejo sariwa pa lahat. Pero nung una, iba talaga ang pangarap ko. Pero this experience has been the turning point in my life. At a very young age, na-realize kong may mga taong makikilala mo na pwedeng magbago sayo."
Angel: "Very true. Yes go ahead, sorry."
Guest : "Sobrang sakit Angel. Iba pala pag apektado ka ng isang malalang sitwasyon. Para kang pinaglalaruan. Sila.. silang lahat. Napakarami nila. Kung saan-saang lugar sila kumukuha ng video. Sa garahe, swimming pool, garden, parking lot, basketball court, sa sidewalk.. Anu bang pakay nila? Tumutulong ba sila? Nag papasikat lang? Hindi nila alam. (Naiiyak na) Wala silang alam.... (pabulong na) Wala silang alammm.."
May ipapakitang nag bbrowse at play ng ibat iba pang YouTube videos ng ALS Ice Bucket Challenge (in slow-mo). Pinakitang ang nag b-browse ay isang lalaki at isang babaeng nakasandal sa kanyang balikat na namumutla ang bibig sa isang hospital bed (hindi ipapakita ang kanilang mga mata). Maya maya pa, hinawakan na ng babae na may nakaturok na dextrose and kamay ng lalaking nag b-browse, sabay umiiling na nagsasabing itigil na ang pag bbrowse.
==================================================
Chapter 1 - Hyacinth
Scene 1: Pinapakitang bumabangon ang isang babaeng mahaba ang buhok. Ma aaninag lang ang kanyang silhouette dahil sa sikat ng kaunting liwanag ng araw sa umaga mula sa bintana.
"Beautiful girl, wherever you are... I knew when I saw you you had opened the door. I knew that I loved again.. After a long, long while, I loved again.."
Sabay hawi ng babae ng kurtina at dungaw sa bintana
Nge.. Hindi siya babae.. Siya si Toni. Ariston Aguinalldo, Jr. Naka wig na mahaba hanggang baiwang.. Mahilig siyang mag spaghetti strap at super ikling shorts.. at full-make up. Pero nagtatapis lang siya kapag matutulog..
Kababangon nya lang ng marinig nyang may paparating na tao sa labas ng bahay. Nasa second floor and kwarto niya..
Toni: "Good morning box!" Todo ngiting bati ni toni mula sa bintana sa taas ng barong-barong nila. Habang nakatingin sa kawalan..
Slow motion na pinapakita ang isang babaeng may mga dalang pinamalengke - naka tshirt at tokong, naka baseball cap, naka salamin at tsinelas. Sabay tingala sa bintana, tanggal ng sumbrero, at tingala kay Toni. Wala syang kahit ano sa mukha. Simple pero napakaganda.
Cid: "Good morning box!" (Box, halip na baks.. tawagan ng mga bakla)
Toni: "Ang ganda ganda mo naman box!"
Cid: "Wow ha!? So nakakakita kana ba nyan?"
Toni: "Hindi parin. Pero tandaan mo. You are intelligent, smart, classy, elegant, aaaand.. BEAUTIFUL!"
Cid: "Awww.. Thank you box..." Pa cute na sagot ni Cid.
Toni: "Next to me!! Tandaan mo.. ALWAYS!!! Always, next.... TO ME! Hahahahhaa!!
Cid: "Che! Sinasabi ko na nga ba may hugot ka nanaman." Sabay hinika... nabitawan ang mga dala dala..
Toni: "Box! Jusko po!" Dali daling baba ni Toni habang naka tapis hanggang dibdib at lumabas ng pintuan.. Pinuntahan si Cid at hinanap sa bag ang inhaler.. "Nasan ba dito? Eto eto na.. O Box.. o dali." Sabay sinubo kay Cid ang inhaler.. "One, two, three" Sabay inhale ni Cid.. "O hold.. hold.. hold.. okey exhale.. dahan dahaaaan.. dahan dahaaaan.. O last, one, two three!" Inhale ulit ni Cid... "Okay hold.. hold.. sige relax exhale... relax lang box...."
"Nako.. ang dami mo kasing dala ang bigat naman nito! Panic buying te? Anu ba tong dala mo?"
Cid: "Marami kasing order sila mam Ruiz para daw sa enrollment bukas ibebenta nya rin tong mga bibilhin nyang sandwich.."
Toni: "Sosyal may franchise na ang Tinapay ni Hyacinth! Nabili mo bako ng favorite ko?"
Cid: "Oo naman! Mejo maraming bumili sakin ng sandwich sa school kahapon kaya marami akong pera kaya nag grocery na ko. Ang dami kong kinita.. Maraming marami. Hahahha! O eto na yung chocolate Soy Milk mo..."
Toni: "Wow! Thank you box! At! Since marami kang pera.. Edi may pambili kana ng damit para sa inter-collegiate JS Prom?"
Cid: "Anu ka ba? Bat ba mas excited kapa sakin? Ikaw yung may Prom??"
Toni: "Anu kaba kapag hindi ka umattend ng ball na yan wala na last mo na yan! Pagka graduate mo next year, grad ball na yun!"
Cid: "Concerned ka talaga sa gown ko no?"
Toni: "Alam mo namang pangarap naming lahat yan eh diba? Sige na box." Nanginginig na pakiusap ni Toni kay Cid.
Cid: "O sya pag iisipan ko. Alam mo namang matumal na ang kita pag bakasyon ngayong March. Kailangan kong pumwesto sa labas ng school para mag tinda para may extra ako sa pasukan."
Sabay labas sa kwarto ni Nanay Ester, nanay ni Toni.
Nanay Ester: "Nako anu nanaman yang naririnig kong gown gown na yan anak? Kung ayaw ni Cid huwag mong pilitin. Mahirap ang pera ngayon. Ang mahal mahal ng renta ng gown hindi ba?"
Toni: "Ok fine. Kapag ako yumaman sa business ko mag gogown ako habang natutulog! Che! Mga manang!"
Sabay pasok ni Toni sa CR at nagtawanan nalang si Nanay Ester at Cid.
Nag commute si Cid papuntang school. Pag punta nya sa may student affairs office nakapaskil na ang tuition fee:
"De La Salle University College of Nursing"
"Tuition fee - Cash: P 200,000.00 inclusive of miscellaneous."
Cid: "200 th.. Jusko po.."
Naglakad pa si Cid papunta sa may Registrar's office at tumingin sa isang listahan:
Cid: "Scholar scholar scholar ako Lord.. Please please po please po Lord." Naluluhang bulong ni Cid sa sarili.. Nang marating nya ang Registrar's bulletin, binasa nya ang nakapaskil na mga papel:
"FULL SCHOLARS FOR SY 2005-2006."
"Labrador, Lacsamana, Ladia, Lafria, Lagos, Lahar, Laiya, Lajano, Lambino, Lanao... "
"Lao, Hyacinth."
Cid: "Aaaaaaaaaay!!!" Napatingin ang ibang estudyante.. "Naku jusko po thank you Lord! Thank you St Jude, Padre Pio, Our Lady of Perpetual Help. Thank you po!" Masayang sigaw ni Cid. Sabay text sa cellphone:
Compose Message: "Box..."
Send to: "Toni"
Sending... "Check operator services."
Cid: "Hay... Itetext ko talaga sya? Bulag diba?" Natatawang sambit ni Cid
Pauwi si Cid, nag aabang ng jeep. Kumalam ang sikmura nya. May isang French Patisserie malapit sa school at naka display ang mga croissant, baguette, at ang ibat-ibang kulay at flavor ng French Macarons...
Napangiting binasa ni Cid ang mga nakasulat sa pader ng restaurant habang hinihimas ang salamin:
Cid: "Je Suis Paris", "Merci Beacoup" "Magnifique" Bigla syang napatitig sa painting ng Eiffell Tower sa isang sulok.. "Balang araw, mapupuntahan din kita Paris. Mag intay ka lang."
Sabay labas ng isang food server
Server: "Good morning mam sir..."
Cid: "Ay hinde kuya thank you.." Pangiting tanggi ni Cid sabay lakad palayo..
May nakita syang mga saba ng saging na nasa bilao sa may bangketa.
Cid: "Nay, magkano po isa?"
Tindera: "Dos lang suki."
Sabay bilang ng coins nya. 9 pesos.. 8 pesos ang pamasahe.
Cid: "Thank you nalang po nay." Sabay lakad sa ATM (Automatic Tubig Machine) at naghulog ng piso sabay sahod ng plastic sa labasan ng tubig.
Habang nag aabang pauwi, nakita sya ng isa nyang kaibigan sa klase, si Ciara
Ciara: "Hyacinth!!!"
Cid: "O Ciara! Ciara diba? San uwi mo?"
Ciara: "Pasig lang. Ikaw?"
Cid: "Ah talaga? Dun lang din sa may kapitolyo."
Ciara: "Ay ok.. Sa Ortigas ako sa condo ni ate Jasmine. Sabay ka na?"
Cid: "Eh... Sakto lang to eh. As in bawal ako mahulugan ng piso. Actually pagbaba ko ng EDSA Central nilalakad ko nalang.."
Ciara: "Go lang may extra MRT card ako. Eto rin I have extra 20 pesos... You're welcome!"
Cid: "Ay naku salamat. Bayaran kita bukas pagka singil ko sa mga umorder ng sandwich."
Ciara: "Ay sige paorder ako dalawa.. No make it three. Alam mo na, hobby. Hah-hah." Mala Krissy na tawa ni Ciara.
Sa MRT...
Ciara: "So haba the pila my God."
Cid: "Ang arte mo pala no? Buti mabait ka."
Ciara: "Yuh kaya I'm priviledged naman daba? So deadma. Hah-hah!"
Pulis: "Ay misis.. Sige po dito na tayo. Excuse me sir paunahin na natin si mam."
Ciara: Napa inhale sa bibig habang nanlalaki ang mata "Ugh!!" Sabay bulong kay Cid, "Did he just announce I'm preg..."
Cid: Pabulong na madiing sumagot si Cid, "Kung gusto mong pumila tayo ng tatlong oras, bahala ka!"
Ciara: "K fine. Fine fine fine. I'll get even nalang." Sabay tapik sa pulis, "Thank you sir..." sabay ngiti. Tumango lang ang pulis at ngumiti rin.
Pagbaba sa Shaw station ng MRT, kasabay din nilang bumaba ang pulis. Maarteng lumabas ng pinto ng MRT si Ciara habang bitbit ang bag sa braso..
Ciara: "Sir thank you for your kind gesture kanina.. By the way which way to the exit?"
Pulis: "Ay here mam, let me escort you."
Ciara: "Tsk, you're such a gentleman kuya. Cid let's go.."
Paglabas ng ticket turnstiles ng MRT..
Ciara: "Ahh wait sir. Question.. San makakabili ng napkin?"
Pulis: "Ah. May 7-11 mam sa may Starmall. For her mam?" Sabay turo kay Cid ng pulis.
Ciara: "Aaaaaaaaaaaahm..... No. For me. Hah-hah! Thanks! Let's go Cid." Nakangiting umalis ang dalawa. Napakamot si mamang pulis.
Nang maka uwi si Cid sa bahay..
May kuma kanta "On the wings of looooooooooooooooooove. Woo!!! On the wings of loooo"
Cid: "Box! Booooooooox!"
Toni: "loooooooooo aaaaaaaaaaaaaaaay!!!" Sabay labas ni Toni sa kwarto at bumaba ng hagdan habang dala ang mga binabalot nyang regalo sa kanyang gift wrapping business. "Anu ba yan bakla nag re-rekord ako eh!" Patuloy ang pagbabalot nya sa lamesa sa kusina..
Cid: "Box! Scholar ako ulit! Wala ulit akong babayaran!"
Toni: "Aaaaaaaaaaaay!!!! Ang taraaaaay... Nalusutan mo yung tinulugan mong subject bakla ka!!!"
Cid: "Oo noh! Ginawan ko nalang ng paraan. Sabi ko may libre syang sandwich sa buong first sem next year! Box, grabe nakita ko yung tuition alam mo kung magkano? 200,000!"
Toni: "Ano??!! 200,000?? Ilang subject ba yan tuhandred??"
Cid: "Wag mo nang problemahin basta wala na tayong problema. Kaya ngayon, dahil masaya 'ko, pupunta nako sa College JS Prom."
Toni: "Haaaaaaaay Panginoon!!! Jusko salamaaaaaaaat! I'm so happy for you box!!!! Yehey! Dibale ipipili kita ng gown... Maganda yung kay Francis Libiran yung mga architectural kemerloo!"
Cid: "Wow nakita mo?"
Toni: "Bakla bulag ako hindi bingi. May sound naman ung TV alam ko yung mga ganyan ganyan!"
Cid: "Nako wag na box. Saka na ha? Hayaan mo, pag nakaka kita kana.. ikaw mag style saken, ok?"
Sabay tawanan ng magkaibigan habang naghain na ng hapunan si Cid..
==================================================
Chapter 2 - Jordan
De La Salle College of Medicine..
Nagtatawag na ng attendance si Doktora Conlu:
"Abalos, Nathan" "Prezzentt!"
"Abrecea, Gerald" "Present mam!"
"Badayos, Roberto" "Yis mam po."
"Bernardo, Jose Mari" "Oh.. Here meydemm."
"Cagujas, Maria Cristina" "Mam.. Martin po ma'am... Preseent.."
"Castillo, Jordan.." Walang sumagot.. "Castillo, Jordan......." Wala parin.
"CASTILLO, JORDAN!!!"
Sa bahay nila Jordan.. Malakas at makailang ulit nang nag aalarm ang classic alarm clock ni Jordan na galing pa sa Israel.. Nagising na nga dito ang kanyang mom..
Kumakatok na ang mom ni Jordan sa pinto:
Lorraine: "Jordan!!!!! It's 8:30!! Ikaw late nanaman! Yaya ikaw kuha susi! Bilisan!"
Insiang: "Ati" Sabay abot ng susi..
Pagbukas ni Lorraine, nakatalukbong pa si Jordan.. Pag buklat nya ng kumot, puro unan..
Lorraine: "Jordaaaaaaaaaaaaaaaaan!!!!!!!!!!!!!!" Uma-alingaw-ngaw at gigil na sigaw ni Lorraine..
Sa Park ng village..
Jordan: "Alright.. 1.... 2..... 1,2,3, 4.." Sabay strum ng kani-kaniyang gitara kasama ng tatlo pa nyang ka barkada..
Dumating si Yaya Insiang at Lorraine sa Andrews Park gamit ang Limited Edition Starfire White Pearl Chrysler 300C..
Jordan: "Yaya!!??" Gulat na sabi ni Jordan na parang may usapan sila...
Yaya Insiang: Nanginginig na naunang lumapit kay Jordan "Ser.. Suri ser. Hindi lang ako magagawin.. Ginapilit ako... Aysus ginoo gyud.."
Lorraine: "Jordan! O My God! Ito huling beses ikaw hindi papa-sok! Ikaw ilang beses gusto mag fourth year?? Ikaw kailan mag pe-pre med? Ikaw niloloko ako ah! Ako block iyo kedit card! Wala ikaw kotse wa manth! (one month)"
Jordan: "Sure mom! Palagi naman eh! Bakit mo bako pinipilit? I wanna be a musician not a doctor!"
Lorraine: "Piao-si! Ikaw hindi kinig akin ah!? Gusto mo ikaw gaya iyo papa? Iyo papa one hit wonder! Siya uwi France! Wala ipon! Siya melon sakit na! Siya buhay mag isa! Tapos ikaw gusto follow kanya footsteps?!"
Jordan: "I'm not like him!"
Lorraine: "Like fada like son! Pati pangalan kayo paleho! Kayo pa maka-mukha! Kaya dapat ikaw wak tulad kanya, andestand?? Ikaw gaya iyo Tito Con-lad! Siya namba wan surgeon Manila!!! Kung ako alam lang ikaw maging ganito, ako iwan nalang ikaw Amelica!!"
Jordan: "Mom.. this conversation is over.." Matamlay na sagot ni Jordan na suko na sa usapan.. Sabay sakay sa kotse at harurot... Sumakay narin sa kanya kanyang kotse ang iba nyang kaibigan.
Lorraine: "Sige! Ikaw si-la buhay mo!!!!!" Pahabol na sigaw ni Lorraine.. Dinaanan siya ni Jordan..
Jordan: "Bye mom!"
Lorraine: "Ikaw bili suklay!"
==================================================
c
Chapter 3 - Serendipity
Sa Pay CR sa UM (University Mall) near La Salle Taft
Concierge: "Hi mam, may UM card?"
Cid: "Ah wala miss eh.."
Attedant: "Ten pesos please ma'am.."
Sabay kuha ni Cid ng buong 10-peso coin sa kanyang banig coin purse.. May kasunod siyang sosyal na lalaki na mag c-CR din..
Concierge: "Hi Sir.."
Lalaki: "How much miss?"
Concierge: "Only ten pesos sir.."
Lalaki: "Here" Inabot ang 20 pesos.."
Concierge: "Here's your change." Sinukli ang 10-peso coin ni Cid.
Lalaki: "No it's ok keep it."
Concierge: "No sir bawal po.. ito na po sir hihi.." kinikilig na sambit ng Concierge
Lalaki: "Alright..."
Paglabas ni Cid ng CR, binuhos nya ang laman ng coin purse sa table malapit sa reception ng lounge
Cid: "Tang-inang buhay to oh.."
Concierge: "Can I help you, mam?"
Cid: "Ate, tulungan mo naman ako... Meron kasi akong parang coin na pinaka tago tago ko.. para syang coin pero may swarovski sya na nakaukit sa gitna.. May image ni mama mary... kumikinang kinang sya.. para kasing yun yung naibayad ko sayo eh.. Pakihanap naman jan sa cash register mo please ate?"
Concierge: "Omaygad!! Wait lang mam ha" hinalungkat ang cash register.. "Naku mam wala... Aaayyyyy naku mam! Naisukli ko po dun sa kuyang kasunod nyo eh. Bente kasi yung pera nya mam kaya yun na yung naisukli ko. Hindi ko naman napansin yung kumikinang kinang kanyo mam.."
Cid: "Shit! Shit shit shit shit! Nakita mo bang lumabas na sya?"
Concierge: "Hindi pa po mam. Hintayin nalang po natin?"
Cid: "Sige sige 7PM pa lang naman hanggang anung oras tong mall?"
Concierge: "11 PM po mam.."
Cid: "Ah ganun ba.. Sige miss antayin ko nalang dito.. Parang ang tagal naman ata nya lumabas eh mga 30 minutes na tayong naghahanap dito ah..."
Concierge: "Okay po mam pasensya na po talaga..."
Nag antay si Cid sa lounge habang nagbabasa ng magazine.. Bawat lalaking lumalabas tinatanong nya ang babae sa concierge.
Cid: "Excuse me kuya.." Sabay tingin sa concierge.. "Ate, yan ba?" Umiiling lang ang Concierge.. "Sige kuya sorry ho.."
Nabasa na nya ang walong magazine sa lounge.. 10:45 na..
Concierge: "Miss, pasensya ka na, 15 minutes nalang po closing na kami. Kailangan ko na mag balanse..."
Cid: "Miss! Kahit magkano babayaran kita makita lang natin yun! Hindi mo ba naiintindihan? Mahalaga sakin yun! Baka pwedeng pumasok nalang ako pwede??"
Concierge: "EH MISS!! Kung bakit naman kasi pinambabayad mo yung mga alahas mo diba?! Aalis nako! Mag antay ka kung gusto mo!"
Cid: "Oo mag aantay ako! Kung gusto mo nang umalis sige lumayas ka!"
Concierge: "Oo! Talagang lalayas ako!"
Cid: "Goodbye!"
11:15 PM
Guard: "Miss.. gising miss.. Sarado napo kami.."
Cid: "Ha?? Nako kuya nakatulog ako. Kuya please may hinahanap ako baka pwede samahan moko sa loob emergency lang?"
Guard: "Sige mam saglit lang po kasi naglilinis na yung janitor jan.."
Pag pasok nila sa CR, wala. Wala na ang lucky charm ni Cid. Binuksan lahat ng cubicle, tinignan ang buong sahig.. wala.. Napakapit sa kwelyo at napasandal sa pader si Cid.. Naiiyak at hindi na sya makahinga.. Inatake na ng hika si Cid... Dinala sya sa ER ng Manila Doctors..
Sa ospital.. Pumunta si Nanay Ester at Toni...
Nanay Ester: "Cid.." hinahaplos ang ulo ni Cid
Cid: "Nay..." Iyak ni Cid "Nay wala na.. yung huling ala-ala ko kay nanay wala na" matinding iyak ni Cid.. "Bakit ganun? Pati kapirasong ala-ala niya iniwan ako?"
Toni: "Box tahan na box.... "
Patuloy na umiyak si Cid hanggang makatulog
Kinabukasan sa school.. Sa classroom nila Jordan..
Dra Conlu: "Okay class, there is an announcement from the college student council.. Next week Friday, February 14 is our Inter-Collegiate JS Prom. For you to match with a date, you have to bring a special item and put it in a large table that we will provide at the gymnasium.. Then girls, you have to go there by 4PM and select any item you like. We will put them in a red envelope. It will contain the special item and the corsage number of your date. Good luck class!"
Martin: "Mam, sa boys ako ah!" Nagtawanan ang buong klase sabay apir ni Martin sa kapwa nya transman.. (transmen - mga kababaihang nagtuturok ng "T" upang mag karoon ng male hormones o testosterone)
Sa bahay nila Jordan.. Mga 10PM..
Jordan: "Ya, si mommy?"
Yaya Insiang: "Ay koya. Alam mo na... Nasa iskul nanaman.. May final exam yata.. kukunin daw nya ang grand prize kay Hoang Long"
Jordan: "What?? Casino nanaman? Tapos uuwi sya ng 7am just in time to wake me up at mag bubunganga nanaman dahil talo siya. Haaaay. Sige yaya, good night.." Nakangiting bati ni Jordan.
Yaya: "Good night koya.."
Pagpasok sa kwarto, pag hubad ng pants, may tumunog sa sahig..
Jordan: "Anu to? Sus, casino token ni Ma.." At bigla nyang naisip ang required special item para sa prom.. "Hmm.. eto nalang kaya..?" At nilagay nya sa schoolbag nya ang coin para i submit sa gymnasium kinabukasan..
Kinabukasan, School Gymnasium..
Prom Coordinator: "Okay guys, once you're done registering your items and signing the waiver, please put them in the re envelope provided and staple them.. Put them on this table and please don't forget to wear that corsage with number on Friday night at 9PM ha? Thank you."
Nang matapos ang registration, ipinatawag lahat ng girls sa gym ng 4PM.
Prom Coordinator: "Okay girls, please select your item from this big table. Choose anything you like, then register at the table over there.."
Ibat-ibang items ang makikitang nakaumbong sa mga envelope. May parang walang laman, may parang hugis chocolate, hugis sing-sing at kung anu ano pa..
Maya-maya, may lumapit kay Cid.. Si Carmina.. Ang suplada, feeling maganda at napaka yaman na squad leader ng cheering team............. at hawig ni Kiray.
Carmina: "Pupunta ka?"
Cid: "Po?"
Carmina: "Anung po? Nang iinsulto ka ba? Mukha bakong matanda?"
Cid: "Ay.... Sorry."
Carmina: "So ayun nga.. tinatanong ko kung pupunta ka..."
Cid: "Ah.. eh .. baka.. bakit?"
Carmina: "Talaga?" sabay tingin mula ulo hanggang paa ni Cid.. "Paano?" sabay ngiti at halakhak palayo.. papunta sa isang grupo pa ng mga girls..
Maririnig ni Cid ng bahagya na may nagsabing "I'm sure magpupuyat yan kahahalo ng tuna at mayonnaise for her sandwich sale.. Pambili ng gown.. or pang rent? Hahhahahahha!!!"
Hindi nalang sila pinansin ni Cid.. Samantala.. lumapit na si Ciara kay Cid.. Katatapos lang mag register.
Ciara: "Anu na girl? Tapos nako oh number 72. Anu kaya to parang walang laman my God..." Naiinis na kinilatis ni Ciara ang item.
Cid: "Pwede na bang buksan diba hindi pa?"
Ciara: "Wait I'll make silip lang make sure it's not empty.. Ah okay parang may GC hah-hah.. Wait, alam mo parang ang daming people sa Friday like we're 300+ plus daw girl..."
Cid: "Oo nga eh.. Baka hikain lang ako parang ayoko na."
Ciara: "Anu ka ba girl baunin mo nalang yung gamot mo... O ayan na konti nalang baka maubusan ka.. hurry!"
Pumunta si Cid sa mga natitirang items sa table.. Dinampot ang isang red envelope na may nakasulat na "#10" at sa baba "To my future..."
Prom Coordinator: "Okay girls registration is closed. Don't forget to open this on the night of the prom. Not right now, not tonight, not tomorrow. On the night of the prom!"
Umingay sa gym na parang nadismaya lahat. Maraming girls na hawak na nila sa kanilang kamay ang laman ng red envelope.
Prom Coordinator: "Ay anu ba yan mga atatitat? Taeng tae? Wala na. For those na nabuksan na, no exchange! Kaloka kayo!"
==================================================
Chapter 4 - The Prom
Prom Night.. Dumating na ang karamihan sa mga girls.. Sa may registration:
Prom Coordinator 1: "Nasaan na tong mga to?" tinuro ang mga pangalang walang pirma.. "Naku hindi pwede yan, hindi pwede yan!" aligagang sermon ng head prom coordinato. "Did we send a text blast to remind everyone?"
Prom Coordinator 2: "Ako I have texted naman lahat ng courses assigned to me.."
Prom Coordinator 1: "E bakit ganun? Nako I will start hosting na in 5 minutes.. Fix this now!" at sinenyasan ang Emcee.. "Kuya Tom! Pa announce 5 minutes!"
Emcee: "Ladies and Gentlemen.. The 2005 inter-collegiate Valentines Prom will start in 5 minutes.. In 5 minutes.."
Habang naghahanapan, nagkatagpuan, at ang iba'y kasama na ang mga ka date nila, ang iba nag hahalikan pa, may mga girls naman sa isang gilid na nag rereklamo..
Aimee: "Grabe sabi dun sa registration hindi makakapunta lahat ng mga boys.."
Kirzty: "Oh em gee panu yung mga nag effort like me. It took like 3 hours for my big hair palang.." sabay pa sway sway ng buhok niya.
Dumating si Jordan.. As usual, slow-mo sa paningin ng mga girls..
Evy: "Oh my gosh. Girls, three o-clock.. Jordan Castillo..." at sabay sabay na lumingon ang tatlo sa direksyon ni Jordan na parang manghang mangha at gwapung-gwapo...
Aimee and Kirzty: "Oh my gosh.."
Evy: "I heard he drives a Jaguar.. Sosyal.."
Aimee: "And he has daw ano... Like his step dad's a surgeon? In Asian?"
Kirsty: "Yuh.. Grabeh he's so fine.."
Si Jordan, napalingon sa kanila..
Kumaway ang girls.. "Hi Jordaaaan..."
Si Jordan, poker face.. Sabay ayos ng tie.. nahulog ang corsage... pinuot at kinabit nya ulit...
Nag start na ang program at lahat may partner na. Si Jordan, nasa sulok.. pagtingin sa relo, 11:45PM.. Nilapitan sya ng kaklase nyang si Paulo na may kasamang date..
Paulo: "Jordan, anu yan bro? Wala pa partner mo?"
Jordan: "Eh wala eh. Malas haha."
Paulo: "Ah, Therese pala, taga archi..."
Jordan: "Hi Therese.."
Therese: "Hi Jordan.. Nice to meet you. Care to join us"
Paulo: "Oooh.. Too hungry for one ah.. Haha.. Well, shall we?"
Jordan: "Whoa! Mukhang may kakaskas ng VIP card oh!!! Napaka tulis!!!"
Paulo: "Eh ganun talaga haha. Sige good luck bro.. May 15 minutes kapa!"
Sabay announce ng guest band..
Vocalist: "Alright De La Salle!!!! Ok paba kayo????"
Audience: "Whoooooo!!! Moooore!!"
Vocalist: "Okay unfortunately.. May curfew din kami so.. For our last song.. Hope you enjoy... Happy Valentines guys!!!"
Queue Music: Waiting in Vain
Sa mobile bar..
Jordan: "Bro.. thank you." Inabot sa bartender ang bote ng beer na wala nang laman..
Bartender: "Anu ser? Lonely boy ah!"
Jordan:"11:59 na eh. Di na ata darating yun.."
Sa labas ng school, may taxing dumating..
Toni: "Sa lahat naman ng gabi box ngayon kapa hinika. Nay pabukas naman ng pinto."
Nanay Ester: "O sige dahan dahan anak ha."
Cid: "Sabi naman sa inyo wag na tayo pumunta eh.."
Toni: "Nako kailangan mong makilala yang ka date mo baka magalit sayo. Tsaka isosoli mo yang laman ng envelope mo diba kanya yan kamo? O tara na.."
Ang ganda ni Cid. Naka maayos na make-up, naka straight hair hanggang baiwang.. Hindi niya sinuot ang salamin.. Ngunit tinago nya ito sa bag sakaling kailanganin nyang hanapin ang inhaler nya... Maganda rin ang suot nya.. mala Cinderella na ball gown na kulay royal blue na tube na may paldang lumolobo dahil sa petticoat.. at suot nya ang corsage nya na number 10.. naglakad na sila papunta sa entrance ng campus mega tent...
Samantala sa may exit ng campus mega tent..
Jordan: Bumubulong sa sarili.. "Haay.. Minsan nalang makipag date na indian pa.. Makauwi na nga..." Sabay sukbit ng coat sa balikat.
Samantala, may lumapit na babae kay Jordan.. Naka Bun, Filipiniana. May hawak na envelope number 01.. Lumapit kay Jordan.. Si Carmina pala..
Carmina: "Hi.." Sabay tingin sa corsage ni Jordan.. "Oooooh myyyy goooooosh... Oh my gosh! You're my number 1! Ikaw nga! Oh nooooo. Sorry super sorry.. Kanina pa kita hinihintaaaaaaaaay!" Malanding sabi ng babae kay Jordan sabay yakap dito.. "Hi, I'm Carmina" at nakipag kamay sa naaasiwa at walang kaalam-alam na si Jordan.. "but you can call me Mine. Sorry ha kanina parin kashe kita hinahanap. Buti nagkita pa tayo... Saang college ka? You are?" Sabay sukbit ng buhok sa kanyang tenga.
Tinignan ni Jordan ang corsage nya.. nang malaglag pala ito kanina, baliktad nyang naikabit.. Pero halata sa pagkaka-sulat na baliktad ito dahil nasa ilalim ang buntot ng number "1".
Inayos ito ni Joran sabay sabi..
Jordan: "Ah miss, ok ka lang? Number 10 ako.... Number 10." Tinuro ang nai-ayos nang corsage.
Carmina: Nabwisit si Carmina at sinabing "Kung ayaw mo, sabihin mo!" Bastos!" Sabay walk out ni Carmina.
Napatingin at natawa si Jordan sa corsage nya..
Jordan: "Tsk... Haaaay.. Last prom na, na zero pa. Malas na number 10 to oh..."
Nakarating na sa campus tent sina Toni, Cid at Nanay Ester...
Toni: "O bakla iihi lang kami ni nanay. Balikan ka namin dito... DITO HA! Enjoy the night box..."
Nanay Ester: "Mag enjoy ka anak. Dito tayo magkita in 30 minutes.. Kapag wala na yung partner mo dito ka lang babalik ha? O kaya magtex ka.."
Cid: "Okay po nay salamat po. Bye Box."
Nang maiwan si Cid ni Toni at Nanay Ester, siya namang labas nina Carmina.
Carmina: "Let's go girls, mag bar-hop nalang tayo.. the night is young!" sabi nito sa mga kasamang sina Aimee, Kirzty at Evy..
Aimee: "Girl" bulong nito kay Carmina, "look.." sabay turo kay Cid na aakmay humakbang na paakyat ng stairs patungo sa entrance ng mega tent..
Carmina: "Hm.... sandwich girl... let's go.." taas kilay na sinalubong ni Carmina at mga girls si Cid sa bandang gitna ng stair case.. "Oh.. Hyacinth right?" tawanan pa ang girls... "Late ka na yata? The party is over.."
Cid: "Ah ganun ba? Baka kasi nandiyan pa yuhg mar ari nito.. Isosolo ko lang sana.. Kaso hindi ko pa sya kilala eh.. Eh.. number 10 lang.." Sumama ang timpa ng mukha ni Carmina ng malaman na siya ang date ni Jordan...
Carmina: "Eeeh anu ba kasi to??" inagaw ni Carmina ang envelope..
Cid: "Carmina wag akin yan.. akin na akin na..
Carmina: "Ooooh.. You want it?? Oh well........... get it. Kirzty, catch!" sabay hagis ni Carmina ng envelope kay Kirzty. Sya namang takbo pababa ng hagdan ni Kirzty, at inihagis naman kay Evy, at inihagis kay Aimee.. Nagpaikot-ikot si Cid at mga girls sa may unloading zone sa harap ng hagdan. Hanggang sa napasakamay muli ni Carmina ang envlope..
Cid: "Carmina akin na please? Anu ba?" hingal na pakiusap ni Cid.
Carmina: "Awwww poor chicken..." at nagtawanan ng malakas ang girls..
Cid: "TAMA NA!!!" galit na sigaw ni Cid..
Carmina: "O...? Bat ka naninigaw? May angal ka? Halika! O kunin mo, dali!" sabay abot ni Carmina ng envelope kay Cid.. nang kukunin na ni Cid, binawi ulit ni Carmina.. "Hahahaha! Ganun lang? Walang thrill!"
Evy: "Oo nga! Teka lang nagmamadali ka?? Lagyan natin ng drama para intense! Hahahha!"
Carmina: Nilaglag ang envelope sa may paanan niya... "O! Ayan... kunin mo..." kukunin na ni Cid ang envelope.. "Ops! Hindi ganyaaaaaaaaaan.........."
Cid: "Anu nanaman ba Carmina? Pwede itigil mo na?"
Carmina: "Hah... itigil...? O sige.. ok na... kunin mo nalang.... gamit ang bibig mo... tapos.... tapos na."
Naluluhang tinignan ng masama ni Cid si Carmina..
Carmina: "AAAAAAAHHH so ayaw mo? Ganooon?? Well, madali naman akong kausap.. Aimee?" sabay abot ni Aimee ng lighter... "mukha pa namang mahalaga tong laman oh? Ooooooohhhh diba.." sabay alog ng envelope.. "parang may pera...." sabay sindi sa dulo ng envelope..... "ANU NA!??"
Nagulat sa sigaw at nakatungo si Cid habang patuloy na lumuluha... Samantala, nagsindi ng sigarilyo si Carmina at humithit...
Carmna: "Isa!" sabay buga ng usok at nilakihan ng mata si Cid..
Cid: "Bakit mo ba ginagawa to??" naluluhang pakiusa ni Cid.. Nagtawanan ang girls..
Carmina: "Ahahahhaa bakit? Bakit?? Eh kasi epal ka!! Palagi kang bida! Papansin! Laging late, eksenadora, himatayera, papansin, tinde-tindera.. PABIDA!!" natahimik ang girls..
Cid: "Wala akong ginagawang masama!"
Carmina: "Dalawa!! Naiinip nako! Susunugin ko na yan!!" nasa lupa parin sa may paanan ni Carmina ang envelope..
Umiiyak na lumuhod si Cid.. At dahan-dahang yumuko upang kunin ng bibig ang envelope...
Nakatingin ang lahay kay Cid habang matinding umiiyak parin ito na bitbit na sa bibig ang envelope..
Pumalpak at humagalpak sa tawa ang apat na hitad..
Carmina: "Eeeehhhh utu-uto pala talaga to eh! Hahaha utu-uto! Tonta! Hahahahaha!!"
Aimee: "Such a loser.."
Kirzty: "Yang utak mo, sing labnaw ng tuna melt mo day!!! Hahahaha!"
Evy: "Eeeww you bought sandwich from her??"
Kirzty: "For my cat yun noh! Michelle loves tuna kase! Pero maski pusa ko ayaw ng paninda ng babaeng to!" sabay batok kay Cid...
Tumnog ang pinto sa entrance ng tent.. nagsi tingala ang girls...
Carmina: "Girls may tao. May tao! Let's go!" nagsitakbo sa kanya-kanyang kotse ang mga punyetang hitad...
Naiwang umiiyak si Cid.. Hulas ang make-up, at may marka ng luhang itim dahil sa mascarra niya.. Nanatili sya sa unang baitang ng hagdan habang humihinga ng malalim.. Patuloy ang iyak ni Cid
Cid: "Ni zai nali de mama? (nasaan ka mama?)" at tuluyan nang nanikip ang dibdib ni Cid.. Sinuot nya ang kanyang salamin sabay hanap ng inhaler sa kanyang bag..
Lumabas na ng campus mega tent si Jordan.. May nakita siyang babaeng nakasalamin, naka blue ball gown na nakaupo sa pinaka unang baitang ng hagdan.. parang nahihirapan huminga at may hinahanap sa bag.. Naglakad siya pababa ng hagdan.. Mula sa baba ng stairs, napalingon si Cid sa likod nya habang subo ang inhaler... habang nakatitig sya kay Jordan na pababa ng hagdan, dahan dahan nyang tinanggal ang inhaler sa bibig. Napatingin sa number 10 corsage ni Jordan at napanganga at natulala nalang ng tuluyan.......... parang bumagal ang oras habang pinanonood niyang naglalakad si Jordan...
Nabitawan nya ang hawak nyang red envelope at nahulog ang salamin sa sahig..
Cid: "Ay kabayo!!" Kinakapa ni Cid ang nahulog nyang salamin at red envelope ng biglang..
Jordan: "Hi.. number 10.. Jordan" Sabay pinuot at inabot ang red envelope kay Cid.. "Jordan Castillo"
Cid: "Cid... Ay. eh.. aaah.. ahm.. Hyacinth.. Hyacinth Lao" nanginginig na nakipagkamay si Cid.. "Ay oo nga pala.. Kung number 10 ka nga... Sayo to.. Ito nga pala yung precious item mo.. Kaya naman pinilit kong makarating para isoli to sa may ari eh.. Pero kailangan ko narin kasing umuwi na.."
Jordan: "No no.. You keep it. That's for you."
Samantala, bumalik na mula sa CR si Toni at Nanay Ester...
Toni: "Box? Boooooxx....? Where aaaare youuuu?"
Nakita ni Nanay ester sa may stairs ng mega tent si Cid..
Cid: "Naku ayan na sila. Sige ah maiwan na kita..."
Nanay Ester: "Naku anak napano ka?!!!"
Cid: "Hinika ako nay eh.. ay, si Jordan pala nay.."
Jordan: "Good evening tita.."
Nanay Ester: "Good evening iho. Nak, umuwi na tayo magpahinga kana. Naku pasensya kana iho at kailangan na naming umuwi ano?"
Jordan: "Ah teka.." Sinulat ni Jordan ang cellphone number nya sa likod ng red envelope..
Cid: "Ah salamat dito ah.. Teka anu palang laman nito?"
Jordan: "Open it later.."
Cid: "Okay.. salamat... Ingat.."
Jordan: "Take care coz I care." Pa cool na sabi ni Jordan.. Sabay lakad sa parking lot kung saan nakapark ang Jaguar nya..
Pag uwi sa bahay... Sa 2nd floor ng baron-barong, kwarto ni Toni.
Toni: "Box, hindi mo naman ako pinakilala. Ang ganda ng boses parang ang gwapo gwapo nung ka date mo!"
Cid: "Haynako hindi ko na naisip yun sorry na. Gusto ko nalang talagang umuwi."
Toni: "Eh bakit ngiting tagumpay ka jan?" Pang aasar ni Toni
Cid: "Tanga natatawa ko sayo eh.."
Toni: "Woooo.. Kilig kiffy ka namaaan!! Uuuuuuuy.... Para-paraan... para makuha yung number.. Hinika kunwaree..."
Cid: "Gaga ka... Wag ka nga! Totoo yun noh. Kelan bako nameke ng hika.. May mga chakang popular girls kasi na may pang aaping ginawa sakin.. Kakarmahin din yung mga yun..."
Toni: "Naku wag mo nang patulan box.. Ang karirin mo yang pag aarte arte mong hika.. Hahaha!"
Cid: "Grabe ka rin eh noh.. Mas gusto ko nang magpahinga lang sa bahay kanina.. Edi sana hindi nako umalis.. Kung alam ko lang na hindi naman pala nya kailangan tong.. teka... SHET!"
Toni: "Anekwaboom??!"
Tumayo si Cid papunta sa bintana ng kwarto ni Toni. Tinawagan ni Cid ang cellphone number.. Cannot be reached..
Cid: "Anu ba to ayaw sumagot!! Lagot sakin to bukas.. Hahanapin ko sa medical arts to.."
Kinabukasan, sa bahay nila Jordan.
Jordan: "Good morning ma! Morning Tito Conrad.."
Lorraine: "Zaoshang.."
Conrad: "Pamahaw ta nak.. mu iskul na ka? It's still early.. Join us.."
Lorraine: "Himala ikaw aga ngayon ah.."
Jordan: "Sa school nalang po.. Bye! Later!"
Habang nag ddrive si Jordan, tumatawag si Paulo...
Jordan: "O!? Nagmamaneho ko eh!"
Paulo: "What's your number???"
Jordan: "Whoa!!! hahahahaha! Well.. zero... for now! Hahahaha!"
Paulo: "Ok pre.. ako... seven! Pucha ang galeng eh!"
Jordan: "Yobooong!!! Pakyu ka! Seven ka jan!? Pero iba to pre.. iba.. siya na.."
Paulo: "Uuuuuluuuuul! Hahaha!" sabay baba ni Paulo ng telepono..
Sa school.. Pag-ka park ni Jordan ay nakita niyang may mga missed call pala siya kinagabihan mula sa isang unknown number.. tinawagan nya ito.......... Pagka ring...
Jordan: "Hi.. who's this?"
Cid: "Hoy! Leche ka! San mo nakuha yung coin ko?!" Mataray na sagot ni Cid habang sinasara na niya ang gate ng kanilang barong-barong upang pumasok sa skwela, bitbit ang mga panindang sandwich..
Jordan: Nilayo ang telepono sa tainga at tinignan ang number. Sabay sabing "Hey! You sound like my mom.. Calm down sino ba to?"
Cid: "Si Cid! Yung partner mo kagabe! Hyacinth Lao!"
Jordan: Malambing na sumagot "Oh... oh... oh....... Well.... Hi...... Hyacinth. Good morning.."
Cid: "Good morningin mo yang mukha mo! Magkita tayo 1PM sa library!"
Jordan: "Ohwkeeyyy.. See you. Nasa school ako.. Ang tagal mo namaaaan.. Haha! Laterz beybeh.." Natatawang pinatay ni Jordan ang phone
Cid: "Ngrrrrrrrr!! Bwiseeeeeeeeet!!"
Sa may library.. Dumating si Cid..
Jordan: "Ooooh sandwiches.. Gutom ka?" Sabi ng naka dekwatrong upo na si Jordan.
Cid: "Yung tanong ko sagutin mo...... San mo to nakuha.........? SAAN?" Pananakot ni Cid na hindi na nakuhang umupo habang pinapakita ang coin malapit sa mukha ni Jordan...
Jordan: "That?? Hah!! Uh... Thhat.. That's my mom's casino token! Bakit ba?!" Pautal na sagot ni Jordan.
Cid: "Wag kang sinungaling saan mo nakuha to?!"
Jordan: "Wait wait, you came here to ask me that?? Ang big deal naman!!" Sabay tayo ni Jordan.
Cid: "Wag kang magkakamaling lokohin ako. Isang tanong nalang. SAAN mo nakuha to?" Sabay hampas sa dibdib ni Jordan.
Jordan: "Wat the fuck!! I don't effing know what you're talking about!" Nagtinginan na ang mga estudyante at nag umpisang magbulungan.. Patuloy na nag explain si Jordan.. "Nagbibihis ako sa kwarto after school tapos nung naka brief nalang ako" nakangiting pang aasar pa niya "I picked up my pants tas tumunog! Tapos tinignan ko it looked fancy! I had nothing to bring sa prom na special item kaya yan yung nilagay ko sa envelope. Okay???" Sabay mabilis na naglakad ni Jordan papuntang exit ng library.
Sinundan ni Cid..
Cid: "Eh hindi mo parin sinasagot eh. So papanong napunta sa bulsa mo to??" sabay pinakitang muli ang coin.
Jordan: "I don't know! What's up with this coin anyway?" Sagit na hiniram ni Jordan, at sinauli din agad.. "Kaya nga hindi ko yan binawi sayo coz I don't even know how that coin got into my pocket!! Baka humalo sa laundry?? I dunno!!! Jeez!"
Tumayo ang librarian...
Librarian: "Kapag may sumigaw pa sa inyo ONE MORE TIME... I will bring this to the dean! Get out!"
Napatingin ang dalawa sa librarian...
Librarian: "Ms Lao! Mr Castillo! Now!!!!!"
Lumabas sila sa library at pahiwalay ng landas..
Cid: "Gago!" Sigaw ni Cid kay Jordan sabay tinignan niya ng masama.
Jordan: "Fine! I always get that from my mom anyway! Sige gago kung gago! Shit!" at tuluyan nang naglakad papalayo si Jordan. Napatigil at natahimik ang naluluha sa galit na si Cid..
Sa bahay.. Sa sala.. Nag babalot si Toni ng mga regalo..
Toni: "Hi box! How's school?"
Cid: "How's school ka jan?!"
Toni: "Aaay...Red Alert? May napkin ako jan... Kuha ka nalang.."
Cid: "Hahahha! Box naman eh.. haay... Sorry na.. tulungan na kita jan sa mga pabalot mo.."
Toni: "Wag na.. magsaing ka nalang.. may ulam pa jan.. inubos ko na kasi yung kanin.. Napano kaba? Ang nega nega mo.. Kalurkee.."
Cid: "Eh kasi yung Jordan."
Toni: "Aaaay! Si bebe ko? O baket? LQ agad? Wala pa mandin..."
Cid: "Wag ka nga... Eh kasi yung item na nag match samin..."
Toni: "O baket?"
Cid: "Box, ito yung nawawalang bigay sakin ni nanay!"
Toni: "Oooooowwsss? Nasa kanya??"
Cid: "Diba?? diba?? Ang weird! Pero ayaw nyang aminin pano napunta sa kanya eh!!"
Toni: "Oh eh diba nga kase.." Pa sarcastic na inulit ni Toni ang mga nangyari... "Nawala yan kamo - - kaya ka napuyat kaaantay sa CR? - - Tapos hinka ka.. - - Tapos na ER ka.. Tapos.."
Cid: "Teka teka nga... Wait!!" Sabay bukas ng Facebook sa phone nya.. Hinanap ang picture ni Jordan at sinave sa phone.. Napangiti si Cid.. "Boom!"
Kinabukasan sa UM Pay Lounge..
Cid: Seryoso ang mukha... "Miss!"
Concierge: Nagsusulat at biglang napalingon ang concierge sa tumawag sa kanya... "Ay puke mo.. Aaaay jusko nanay ko po!!" Gulat na sambit ng Concierge nang makita ang babaeng inaway nya nung isang linggo.. "Ahh.. hi maaam... ehe.." Pakaway kaway na bati ng concierge na siya ring kaaway niya ng gabing nawala ang coin. Tumaas lang ang kilay ni Cid..
Concierge: Lumuhod sa sahig at kumapit sa legs ni Cid.. "Maaam! Naku maaam sorry po mam wag po mam maawa kayo sakin breadwinner po ako maaaam. Maaaaaaaaam!! Madami hong umaasa sa akin.." Nakakatawang paglulupasay ng Concierge..
Cid: "Miss okay na ha? Okay na... May itatanong lang ako sayo.. Tumayo ka jan!"
Concierge: "Ay..? Ah hehe.. Po?" Na-himasmasang sagot niya..
Cid: "Anu muna pangalan mo?"
Concierge: "Ivy po mam."
Cid: "Ah.. Ivy.. Cid.. Cid pangalan ko... Kilala mo ba to?" Pinakita ang picture ni Jordan...
Ivy: Tinignang maigi ang picture... "Hmm.. Ay!" Gulat na sagot ni Ivy.. "Ay! Ay mam! Nako yan po yung gwapong naandito po nung nakaraan.. mga last week po. Ang gwapo nga nyan sa personal eh. Kilala nyo mam?"
Cid: "Hay!" Buntong hininga ni Cid... "Tang ina.. Yun na!"
Ivy: "Ah??" Nakangangang tanong ni Ivy
Cid: "Yun lang. Thank you!" sabay alis ni Cid.
==================================================
Chapter 5 - Sharing their Lives
Tinext ni Cid si Jordan..
Cid: "Pssssst..."
Walang reply..
Cid: "Sorry.."
Jordan: Hi!!" Reply ni ordan..
Jordan: "Who's this puhleeease? :)"
Cid: "Wag ka nga! I save mo na to. Si Cid."
Jordan: "Oh.. My mom from hell.. O?"
Cid: "Magkita tayo bukas.. My treat.. Sa canteen ng medical arts.."
Jordan: "Hmm demanding huh? Kiss muna.."
Cid: "E SIRA ULO KA PALA TALAGA EH!!"
Jordan: "Hep hep! Sorry you sound offended. You need me right?"
Walang reply Cid...
Jordan: "Hello???"
Cid: "11:45 am bukas. C u.."
Jordan: "K"
Sa Canteen.. Dahan-dahang lumapit si Cid kay Jordan na bitbit ang mga tinda nyang sandwich habang nagmamasid sa paligid kung may nakakakita sa kanyang "treat" kay Jordan.. Nakita ni Jordan ang sirang sapatos ni Cid.. Dahilan kung bakit din mabagal syang nakakapaglakad.. Umupo na rin si Cid sa harap ni Jordan sa square plastic table...
Jordan: "Bat lagi kang late?" Pang aasar ni Jordan dahil late din si Cid noon sa Prom..
Cid: "11:44 palang. Wag kang OA."
Jordan: "O akala ko ba your treat? Diba you're selling those?"
Cid: "Okay na..."
Jordan: "Hmmm. How much?"
Cid: "Wag na ngaaa.." Sabay abot ng sandwich kay Jordan. "Walang drinks wala pako masyadong benta tubig nalang kukuha kita." paliwanag ni Cid habang binaalik sa pagkatali ang plastic ng sandwiches..
Jordan: "Ok sige. So what's up?"
Cid: Natahimik.... "Sorry..." nakatangong sabi ni Cid..
Jordan: "Ano no no?"
Cid: "Sorry kako..." nakatango parin si Cid.
Jordan: "Ha? Ano?" Nakangiting pangungulit ni Jordan habang nakatitig kay Cid at inilapit ang mukha kay Cid...
Cid: "Eeeeeeeeeeeeh!!! Sorry na kase!" tumingin narin si Cid kay Jordan.
Jordan: "Alright..." sabay sandal ulit ni Jordan at kagat sa kanyang sandwich.. "Sarap ah! My new faorite next to croissant.. Thanks!"
Cid: "Basta sorry.. bati na tayo.. luluhod pa ba?"
Jordan: "Hmmm.. how about DMC?"
Cid: "DMC?!"
Jordan: "Dinner.... Movie... Coffee!"
Cid: "Aaaaaaah. D-M-C... Galeng ah. Okay sige. Wag sa mahal ah magkanu lang to."
Jordan: "Yeah!!! Sige.."
Cid: "Hmmm. Sagot mo nalang muna!"
Jordan: "O tara.."
Cid: "Tanga lunch palang o.." Pangiting sagot ni Cid
Jordan: "Edi movie muna! Tapos, coffee! Tapos dinner!"
Cid: "Oo na! Oo na! Gow!"
Sabay tayo ng dalawa paalis ng canteen..
Nag movie date nga ang dalawa, tapos coffee.. Then sa dinner.. Sa Ristorante Galileo. Wine, Pasta and Pizza..
Cid: "Uuuy... nagkwenta ko.. 220.. tas 1 pipti.. 370 na utang ko sayo..."
Jordan: "Movie and Coffee palang yun ah! Yung pop corn and iced tea?"
Cid: "Hoy grabe ka nakalimutan lang.. O sya edi 500.."
Jordan: "Sagot ko nga diba? Kaya ka nga sumama eh.."
Cid: "Ay grabisha o.. Pwede namang magbayad po.. Eh ang mahal lang kasi dito. Tignan mo naka nursing uniform pako.. Buti ka nga mukhang mamahalin yang t-shirt mo paghubad mo ng polo..."
Sinuot ni Jordan ulit yung white polo nyang gusot galing sa bag nya...
Jordan: "O eto na.. Sige order kana.."
Cid: "Huy!!!"
Jordan: "What? Para naka uniform din ako.. Nahihiya ka eh.."
Cid: "Sige na hubarin mo na, hubarin mo na.."
Jordan: "Okay." Pangiting sagot ni Jordan..
Cid: "Nakakalula naman tong mga presyo dito.. walang 3 digits!"
Jordan: "Just look left.. don't mind the price..." Malumanay at nakangiting lambing ni Jordan habang nakatitig kay Cid at tinakpan ng kamay nya ang mga presyo sa kanan..
Dumating ang waiter..
Waiter: "May I have your order madam?"
Cid: "Ah.. Ito.. ito nalang.. Chicken cordon bleu.. Yan lang na-intindihan ko eh.."
Waiter: "How about you sir?"
Jordan: "Make that two, please. Thank you.."
Habang inaantay ang order...
Jordan: "So... Kwento.."
Cid: "Mamaya.. Pag nanjan na yung food.."
Jordan: "Matagal pa yun.. Ayun oh yung pasta tirik na tirik pa sa kaldero.."
Cid: "Ay... oo nga.. Eh teka ikaw muna.."
Jordan: "Ikaw muna.. Ako nanlibre... Please?"
Cid: "Ah ok.. Si Nanay Ester tsaka si Toni..Yung kasama ko sa prom... Naalala mo?"
Jordan: "Si Nanay lang napakilala mo eh. Akala ko nga Box yung pangalan nung isa.. Teka bulag yun diba?"
Cid: "Oo.. Ampon nila ako.. Mag ina sila... Sila na yung pamilya ko. Nung iniwan ako ni mama, binilin nya ako kay tita Ineng. Kaibigan nyang intsik noon sa UP.. Walang trabaho yun pero laging maraming pera.. Minsan nakita ko nagbibilang sya, pinalabas nya ako at ni lock ang pinto ng kwarto nya.. Mag tatanan na si Tita Ineng noon.. Nag aantay nalang siyang lumuwas galing Cebu yung boyfriend niyang doctor.. Sabi ni mama wag muna syang umalis kasi 6 months lang naman daw yung libreng practicum nya sa London.. Napilitan si Tita Ineng.. Pero may mga araw na hindi sya umuuwi.. At pag darating sya may kasamang siyang ibat-ibang lalaki.. Kadalasan foreigner.. Nakikilala nya sa bar.. Kaya dun nya ako pinapatulog sa sala.. Yung isa nga madalas dun, parang hindi English yung salita, may kasamang batang lalaki.. Kumakain sila sa labas.. niyaya nga ako nung bata minsan, ayoko lang mapalo kaya tumanggi ako.. Minsan binibigyan nya ako ng tinapay na hugis krus.. parang imported.. Madalas din na napagbubuhatan pa ako ng kamay ni tita Ineng.. Lalo na pag nag aaway sila nung foreigner.. Tungkol ata sa pera nung lalaki... Pag galit siya pinapaluhod nya ako sa munggo ng sampung segundo.. Pag natumba ako uulit kami ng bilang.. Tapos ayun isang araw nalang.. iniwan nako ni Tita Ineng sa apartment nya. Pag gising ko, wala nang tao sa bahay.. At wala narin yung ibang gamit.. Naiwan lang yung lamesa sa kusina.. Wala ring kuryente.. Baka dumating na yung boyfriend nyang doktor kinuha na siya.. Kaya umalis narin ako.. Wala akong mapuntahan.." Naiiyak na ang boses ni Cid sa pagku-kuwento ng kanyang sinapit.. "Kung anu anong sinubukan kong kainin dun sa may bagsakan ng gulay sa Munoz.. minsan may mukhang katatapon lang.. minsan tinapay na may konting amag.. tsaka kanin na hindi pa masyadong panis.. pag natutulog ako sa bangketa kinakanta ko nalang yung huling kantang naaalala ko na pampatulog sakin ni mama.." Naluluhang kwento ni Cid.
Jordan: "Cid... Okay ka pa? Wag mo na muna i kwento?"
Cid: "Okay lang ako.. Pakalat kalat ako ng ilang araw.. Tapos may nakita akong isang payatot na babading bading na bata nag pipiko mag isa.. Sasali sana ako.. Tumalsik yung pato nya sa kalsada.. Nung kukunin nya, nabundol sya ng trycicle... Ayun.. Pinuntahan ko sya.. tapos nagpatulong ako dun sa manong guard sa tapat ng Cindys.. Dun na dumating si Nanay Ester.. Dun na nila ako sinama pauwi... Noon lang nabulag si Toni.. Tapos ayun na.. Hanggag ngayon wala syang nakikita.. May konting anino daw.. pero ganun lang... Wala naring tatay si Toni.. Hindi na bumalik galing Saudi.. " Kwento ni Cid habang pinaglalaruan ang mga pilak na kubyertos..
Jordan: "Lika nga dito." Niyakap ni Jordan ang umiiyak na si Cid..
Dumating na ang pagkain..
Chef Galileo: "For the senorito... aaand for the miss.. 2 Glasses of champagne on me.. Enjoy!" Sabi ng Italianong Chef na may ari rin ng restaurant.
Jordan: "Wow.. Thank you Chef Galileo.. Tara kain na.. "Bon Appetit!"
Cid: "Wow nag F-French ka?"
Jordan: "Konte.. hehe.. Oui.."
Cid: "Ang galing... Alam mo ba life-long dream ko yang Paris.. Yung mag bbike bike ka lang sa paligid ng Eiffel.. Habang kumakain ng Baguette na nakalagay sa basket nung bike.. Tapos makaka kilala ako ng French.. Tapos dun nako titira ganun.. Pero parang gusto ko rin Chinese.. Para magaling sa pera.."
Jordan: "Lalayo ka pa eh.."
Cid: "Wow ang biles!!! Fast forward ka rin eh noh? Ayusin mo nga yang buhok mo.." Sabay hawi sa buhok ni Jordan papunta sa gilid.. "Alam mo mejo bad boy yang looks mo.. Parang mas bagay sayo clean cut.."
Jordan: "Paabot ng wallet ko please?"
Cid: "Ay... bill out na? Take out ba?"
Jordan: "Basta." Nakangiting sagot ni Jordan
Cid: "Uy sorry. Wala naman akong sinabing pangit buhok mo.. Sorry."
Jordan: "Akin na ngaaa. Bagal..." ngiti pa ni Jordan..
Cid: "Itong black?"
Jordan: "Tignan mo."
Cid: "Wow hardship? Puro credit card ah.. Huy 600 lang nasingil ko sa sandwich kanina.."
Jordan: "De! Tignan mo ID's ko.."
Cid: "Hahaha ang totoy oh! 2001.. pa expire na to ah.. Pa renew kana ng License.."
Jordan: "So...? Anu na?"
Cid: "Alin?" At nabasa nya ang ID... CASTILLO, JORDAN FRANCOISE LIM
Nagkatitigan nalang ang dalawa.. nagka ngitian.. hinaplos ni Jordan ang mukha ni Cid..
Cid: "Jordan Francoise? Lim?"
Jordan: "Yep.. Chinese si Mom.. Lorraine Ho Lim..
Cid: "Sino yung Castillo?"
Jordan: "Tito Conrad... My stepdad.. Dr. Conrad Co Castillo.. The triple C of Philippine sugery.. Mabait naman sya.. but just like mom na laging nasa casino, he's always out of town.. Medical missions, research.. Mas marami pa yung pera na iniiwan nya sakin kesa sa time nila sakin ni mom.." Malungkot na kwento ni Jordan habang kumakain.. Sabay halik ni Cid sa pisngi ni Jordan..
Pagkatapos mag dinner, hinatid na ni Jordan si Cid sa kapitolyo sa bahay nila.
Jordan: "Lunch bukas?"
Cid: "Okay.." sabay baba sa kotse..
Cid: "Good night." Nakangiting paalam ni Cid.
Jordan: "See you." Nag drive na palayo si Jordan habang nasa labas pa ng gate si Cid at kumakaway.
Palagi nang nag l-lunch sina Jordan at Cid. Minsan dinner twing Friday. Hindi alam ito lahat ng mommy Lorraine ni Jordan. Ang gusto nila for Jordan ay Chinese din. Kailanman hindi nagpakilala ng girlfriend si Jordan dahil karamihan sa mga ex-girlfriends nya ay hindi Chinese.
Sa Baywalk sa Roxas Boulevard, sunset ang view.. Hobbit House..
Umiinom ng buko shake si Cid habang nag gigitara ang kumakanta naman si Jordan. Maya-maya pa..
Jordan: "Babe... Favor.."
Cid: "Yes po?"
Jordan: "Pahinga ka naman.. di ka ba napapagod?"
Cid: "Ha? Di naman nakakapagod uminom haha! Ok lang ako.. Bakit??"
Jordan: "Kase.... kanina ka pa tumatakbo sa isip ko..."
Cid: "Ha-ha! Lumang joke! Kainis ka!"
Jordan: "Love you! Hehe.."
Cid: "Love you mo mukha mo..."
Jordan: "Babe.. Seryoso.. " Natigilan si Cid sa pag tawa.. "Aalis ako.. 1 month.. Practicum sa Florida. Dun ko kasi balak mag fellowship after ko mag intern.. Kaya handa ka na ng passport mo ha? Malay mo dun tayo tumira if ever diba? Just in case lang.. For now, practicum muna.."
Cid: "Hmmm.. so kelan to?"
Jordan: "April 1 to 30... Ok lang ba?"
Cid: "Oo naman! Anu ka ba.. Bat naman hinde.. pero message moko sa friendster pag may time ka ah.."
Jordan: "Gagawa po ng time.. hehe... yeeeee thank you! Labyu!" sabay halik sa pisngi ni Cid...
March 31.. sa NAI3.. tumunog ang phone ni Jordan habang umiidlip at nag aantay ng flight nya patungong Florida.. Si Cid.. Sinagot niya..
Jordan: "Yoboseo?" Pabiro at boses Koreanong sagot ni Jordan..
Cid: "K-Pop? Wait lang babe!! Emergency! Naiwan mo ata tong maliit na box dito sa kwarto ko. Panu to baka kailangan mo to sa Amerika..?"
Jordan: "Ha? Anung laman? Pabukas naman oh..."
Binuksan ni Cid ang box na nakabalot ng white glossy paper..
Cid: "Aaaaaaaaaaaay?!!" gulat na sigaw ni Cid sa nakita sa box...
Jordan: "April fools!!! Hahahahha!"
Cid: "Sakin to?" tuwang tuwang in-on ni Cid ang kanyang PChome Touch-1 Skype USB Phone..
Jordan: "Yes po.. I love you. Wag mo hayaang ma low-batt yan ah?"
Cid: "Pramis i s-Skype kita araw-araw! Thank you talaga baby ko..."
Jordan: "You're welcome my love.. Flight ko na babe.. I'll call you sa Japan pag baba ko to change flights ha? Mmmmwah!"
Cid: "Ingat baby ko.. I love you..
Jordan: "Love you.. bye..."
Friday, April 1, 2005. 11PM.. Florida, USA..
Tinawagan kaagad ni Jordan sa Skype si Cid.. Nang mag ring ang Skype sa laptop ni Cid..
Cid: "Hello?"
Jordan: "Hi babe.. Sorry di ako nakatawag sa Japan.. Hmmm. okay can you see me?"
Cid: "Pa-on ng video please.." Nag switch on na ng video si Jordan.. "Ayaaan.. ang gwapo naman ng kc Skype ko.. anung oras jan babe?"
Jordan: "11PM babe.. Jan ba?"
Cid: "11AM po.. hehe.. pa lunch pa lang.. Ikaw? Nakakain kaba ng maayos?"
Jordan: "Bukas na.. may jetlag pako eh.. nagpapaantok lang.. habang nag tutugtog.."
Cid: "Tugtog ka nga babe..."
Jordan: "Oo nga noh! Teka on ko Skype recorder hehe.."
Tumugtog si Jordan habang kumakanta si Cid..
"Dito ay umaga.. at diyan ay gabi... Ang oras natin ay magkasalungat
Aking hapunan, ay iyong umagahan.. Ngunit kahit na anong mangyari..
Balang araw ay makakapiling ka...."
==================================================
Chapter 6 - Vague Memories
Na late ng pag uwi si Jordan mula sa Amerika dahil sa ilang problema sa travel agency.. May 6 na nang makapag book ng arrangements para sa kanya ang med school admin sa Orlando.. Dahilan para magtampo si Cid.. Tumahak pabalik ng Maynila si Jordan ng May 7..
May 8, 2005 - Mothers day. Pag lapag ng eroplano ay dumiretso na sa Pasig kapitolyo si Jordan.. Pagdating sa bahay nila Cid..
Jordan: "Nanay Ester!"
Nanay Ester: "Jordan anak! Ay mabuti't nakabalik ka na!"
Jordan: "Oo nga ho eh mejo napatagal.. Cid po?"
Nanay Ester: "Ay nasa taas anak sige puntahan mo't parang kanina pa iyan tulala.."
Toni: "Oo nga bebe ko.. Kaya bumaba muna ako dito nako nagbalot ng gifts.. sige na aura kana sa taas.. Baka nalu lurkee na yan sya..."
Umakyat si Jordan sa taas.. Nakita ngang nasa isang sulok si Cid.. Umiiyak ng tahimik at hawak sa kamay ang kwintas na may medallion..
Jordan: "Baaaabe....?" Dahan dahang lapit ni Jordan...
Cid: "Ang tagal mo naman bumalik..." Sabay tingala nito kay Jordan...
Jordan: "Sorry babe.. nandito nako.. what's wrong?" pabulong na lambing pa ni Jordan...
Cid: "Naalala ko lang si mama.." sabay himas sa pendant niyang medallion. "Maliban dito, wala manlang akong picture ni mama. Puro nasa ala-ala ko nalang.. May laruan ako noon parang kabibe na may prinsesa sa palasyo sa loob... Pasalubong ni mama galing divisoria ata yun.. ewan ko ba.. bata pako nun eh.. di ko na nga naitago.. ikaw siguro ang dami mong laruan no?"
Jordan: "Hmm.. Mga remote control na kotse, helicopters, robots, video games.. Tas na adik nako sa red alert, ragnarok, DOTA, pustahan pa nga eh... Pero ngayon gitara nalang bisyo ko... tsaka.. ikaw.. hehehehehhe.." pa cute ni Jordan sabay sindi ng yosi...
Cid: "Ayan... Pati yan.. so kelan pa yang pa ganyan-ganyan mo?"
Jordan: "Isa lang naman.."
Cid: "Bahala ka.. Kaming mga hindi makahinga ingat na ingat.. kung sino pang may okey na baga.. ayan.. sige! hithit pa!"
Jordan: "Hoooooooo..." huling matulis na buga ni Jordan.. "Grabe sermon?" sabay pitki ng puwet ng yosi palayo sa kalye..
Cid: "Huy! Pulutin mo yun! May basurahan!"
Jordan: "Hooookeeeeeeeey.." sarcastic na sagot ni Jordan sabay pulot ng sigarilyo
Cid: "Samahan mo naman ako mag aral. Jan lang sa may coffee shop sa Shaw.. Final exams na this week.."
Sa labas ng coffee shop may mga upuan at lamesa..
Cid: "Tara na mag review na tayo.. wag kana manigarilyo..."
Jordan: "I'll just tune my guitar. Sige na review ka lang jan..."
Nag ddrawing si Cid ng human brain. Sinusulat nya lahat ng parts and functions..
Cid: "Anu nga to?" Sabay turo sa bandang likod ng utak sa kanyang drawing, "lagi kong nakakalimutan..."
Jordan: "Akin na nga.." sinulat ni Jordan ang: Cerebellum - motor skills. "Yan, that dictates your motor skills, balance, coordination and fine muscle control.."
Cid: "O ikaw na... Thanks baby doc.."
Jordan: "Love you baby nurse.." sabay halik ni Jordan sa pisngi ni Cid..
Nakita ni Jordan na nahihirapan magtasa si Cid..
Jordan: "Ako na.." tinasahan ni Jordan ang lapis...
Patuloy na nag drawing si Cid... Maya-maya pa ay nabitiwan niya ang lapit at natabig ang tamarind iced tea na mukhang nakatakip ngunit hindi nahigptan ang pagkakasara...
Jordan: "Oh... o! Tsk tsk.. buti hindi nabuhos lahat.. Di mo kasi sinara ng mabuti eh.."
Cid: "Excuse me.. Saradong sarado yan kanina... " masungit na tugon ni Cid, "painom nga.. akin na.." hindi mabuksan ni Cid ang bote.. inakala niyang sobrang hinigpitan ni Jordan.. "Anu ba yan!? Iinom na lang pinahirapan pa ko nang aasar pa eh!" galit na nagligpit ng gamit si Cid..
Jordan: "O ako nanaman? Uy uy! Cid naman!! Babe saglit.." pigil ni Jordan, "Cid hindi naman mahigpit.. O bukas na oh.. babe..?"
Cid: "Wag kang susunod!" sabay labas ni Cid sa coffee shop at aakmang tatawid..
Niligpit ni Jordan ang gitara sabay alis palabas ng coffee shop para sundan si Cid..
Patawid na ng kalsada si Cid ng mapahinto ito sa gitna na tila di makaalis sa kinatatayuan sa gitna ng kalsada..
Cid: "Aaah aray ko..." hirap na iyak ni Cid. Nabitiwan niya ang lahat ng dala sabay kapit sa legs na sobrang sakit.. May paparating na FX na pa u-turn at matuling umikot padaan sa pedestrian lane sa tapat ng coffee shop na kinatatayuan ni Cid..
Jordan: "Cid!!!" Sabay takbo ni Jordan at inakay pabalik ng side walk si Cid "Tang ina mo!!! Wreckless driver!! Ano? Ano!?? Gago!!!" sigaw niya sa FX driver na muntik nang makasagasa kay Cid..
Dinala ni Jordan sa Manila doctors ang nobya..
Nurse: "Anu po nangyari sir?"
Jordan: "Bigla nalang daw siyang hindi nakalakad. Nag numb daw yung legs nya and nanigas eh.. I'm thinking na cramps lang pero let's probably check further nalang.."
Nurse: "Ay sige let's wait for the doctor nalang po. Dito nalang po muna siya sir" at pinahiga sa isang hospital bed sa may pader.. "Drink more water po ma'am. It can help" sabay abot ng baso ng tubig..
Nag undergo ng CBC, X-Ray, Pulmonary Function, 2D Echo at MRI scan si Cid.. Pagkatapos matapos mabasa ng isang doctor ang major complaints at initial test results..
Doctor: "Good afternoon iha.. iho.. I'm the reliever for Dr. "C". Can you feel this?" magaan niyang tinapik ang braso ni Cid..
Cid: "Yes doc."
Doctor: "How about this?" tapik sa kamay
Cid: "Yes po doc.."
Doctor: "and this..?" tapik sa legs
Cid: "Meron po konti?"
Doctor: "Okay... and this one?" tapik sa paa
Cid: "Ahm.. pakiulit po doc.." tumingin ang doctor kay Jordan.. at tinapik muli ng mas malakas..
Doctor: "how about that?"
Cid: "Meron po.. mahina.."
Doctor: "Okay we will check the final results of all lab tests and provide further diagnosis. Meanwhile please take these..." sabay abot kay Jordan ng reseta "You might have vitamin B compex deficiency so might as well take vitamin b 12 pero we will check further so we can diagnose accurately. It's just B complex anyone having numbness can take them.."
Cid: "Thanks doc. Ah ma coconfine po ba ako? May exams kasi kami sa Wednesday."
Doc: "No, no.. OPD is fine for now. I don't see any life threatening conditions that require constant monitoring. Basta make sure to follow my discharge orders. Nurse, please prepare these results for Dr. C for further study."
Kinagabihan ay umuwi na sila sa bahay nila Cid. Pinahiga ni Jordan si Cid at minasahe ang mga braso, kamay, hita at bindi ni Cid..
Jordan: "Kailangan mo ng massage kasi this might just be paresthesia.. For limbs that have fallen asleep, restoring circulation by stretching or massaging can quickly dissipate the numbness and tingling...." napangiti lang si Cid at pumikit na tila iidlip habang minamasahe ang kanyang mga binti...
Jordan: "Alam mo we need to relax... Let's travel after finals week ok?"
Cid: "Okay.." ngiti ni Cid..
Lumipas ang finals week at nairaos ng dalawa ang kani kanilang mga pagsusulit..
Summer Vacation, weekend after finals week - May 14, 2005.. Tinext ni Jordan si Cid na magpuntang mag isa sa school, 12 PM sa Canteen ng medical arts.. Wala pa si Jordan.. wala ring gaanong estudyante.. may note sa table na nakatiklop.. Sa ibabaw nakasulat "Wala ako dito..."
Pagbukas ni Cid sa loob ng card.. "Call me.. 0906 520 7064"
Tinawagan ni Cid, babae ang sumagot..
Cid: "Hello?"
Ciara: "Hey girl! Ciara to.. May pinapabigay sayo dito dali.."
Cid: "Nasan ka?"
Ciara: "Ito oh" Kuma-kaway si Ciara sa labas ng canteen..
Cid: "Ciara! Anu ba to?" tanong ni Cid. Sabay abot ni Ciara ng boquet na tadtad ng Ferrero chocolates..
Ciara: "Uuuuy... ikaw na. Hah-hah.."
May mga nakasulat sa mga Ferrero chocolates sa bouquet.. I T G K A R L P O N
Cid: "Frieend.. help.. anu daw to? I T G K A R L P O N.. Sinong Karl?"
Ciara: "Wait......." binasa ng maigi ni Ciara ang mga nakasulat at napangiti, "PARKING LOT!!! Go!!!"
Nagmamadaling tumakbo si Cid sa Parking Lot.. Siya namang sakay din ni Ciara sa kotse ng isang ka banda ni Jordan at dumaan sila sa kabilang kalye..
Sa parking lot.. wala si Jordan, pero may puting Toyota Camry na naka park dito.. at may nakasulat na, "Get inside". Sabay bukas ng driver.. "GRAB TAXI - SEDAN" Sabi ng sticker sa loob..
Driver: "Good afternoon ma'am. Sakay na daw po." Siya namang sakay ni Cid..
Cid: "Ah eh.. San ba tayo kuya..?"
Jordan: "Sa airport daw po mam sabi ni sir."
Cid: "Sinong sir?"
Jordan: "Ay yung tisoy po na gwapong gupit."
Cid: "Ay! Manong bababa ako paki hinto please. Aaaaaaaaaay teka!! Ihinto nyo! Hindi ko yun kilala."
Tumunog ang phone ni Cid..
Calling..... Box
Cid: "Hello?"
Toni: "Box! Ano nakasakay kana?"
Cid: "Pinasundo moko sa school papuntang airport?"
Toni: "Gaga! Hindi ako! Basta! Na impake ko na yung mga damit mo."
Cid: "Ano??"
Toni: "BASTA BAKLA PUMUNTA KANA DITO WAG KA NANG MAARTE JAN!!"
Cid: "Okey! Okey! Kalma!" nakangiting sabi ni Cid sabay baba ng phone, "Sige po manong tara na po"
Pagdating sa airport..
Ciara: "Good afternoon girl!" bati Ciara.
Cid: "O? Bat nandito ka agad?" sabay baba ni Cid.. "Thank you manong!"
Ciara: "There..." Tinuro si Nanay Ester at Toni na may hawak na malalaking sign "MAY FOREVER"
Naghiwalay si Nanay Ester at Toni, at biglang nandun si Jordan, nakatalikod.. Clean cut, naka med school uniform, sabay harap.. may red rose, at dahan-dahang lumapit kay Cid..
Jordan: Malakas ang boses na parang nag aannounce: "To the most beautiful prom date I have ever had!!!!!" Sabay luhod ni Jordan at binuksan ang isang midnight blue na box ng Harry Winston na may lamang ubod nang kinang na diamond ring.. nagkumpulan na ang ilang tao sa airport sa palibot nila..
Jordan: "Will you share your life with me?"' nakangiting bulong ni Jordan habang nakatingala kay Cid...
Nanay Ester: "Wooow nakuuu."
Toni: "Ang haabaaaa ng haaaaaair moooooooooh!!!"
Ciara: "Go girl!! Say yeeeees!!!"
Tuloy ang hiyawan ng tatlo at ng iba pang tao sa airport...
Naluluha at namumula na sumagot si Cid...
Cid: "Oui! Oui!! Yes!!! I will marry you!!"
Nagyakapan ang dalawa... mahigpit na mahigpit.. sabay pinahid ni Jordan ang luha ni Cid.. Ganun din si Cid dahil naluluha din si Jordan.
Jordan: "Wa Ai Ni.. Wa Ai Ni Hyacinth Lao.." Hinalikan ni Jordan ng dahan-dahan si Cid.. sabay tinginan.. At halikan ulit.. At muli silang nagyakapan...
Cid: "Je T'aime Beacoup Jordan Francoise Castillo." sambit ni Cid habag mahigpit na yakap si Jordan.
Jordan: "Let's go?"
Cid: "Teka san tayo pupunta? Wala ka bang pasok?"
Jordan: "1 week lang. We'll go to Paris babe!"
Cid: "Paris??!! Wow! Hala sige! Tara!!! Box akin na yan.. Dalian mo, dalian mooooo!!"
Jordan: "Tara we'll be late!"
Tumakbo ang dalawa papasok ng entrance sabay kaway sa mga naiwan nilang kaibigan sa labas..
Sa Check-In Counter... Air France
Counter: "2 luggages for Air France flight 2736 bound for Paris via London.. Okay.. no excess.. Checked in!"
Cid: "Bakit London?"
Jordan: "We'll just stay there for two days.. then Paris na babe.. Baka kasi gusto mo makita mom mo?"
Dahan-dahang umatras si Cid palayo kay Jordan.. Umiiling si Cid habang nangingilid ang kanyang mga luha...
Cid: "London....?"
Jordan: "Why Cid? It's ok kung ayaw mo ok lang.. We'll get another flight.."
Tumingin lang sa kawalan si Cid at napahawak sa kayang kwelyo.. Tuluyan na siyang umiyak ng malalim..
Cid: "London...... London..?" Sabay tingin nito kay Jordan.. "Matagal na yun eh... Ang dami nang nangyari.. Okay nako. Ni hindi ko nga alam kung nandun pa sya..." patuoy na pag iyak ni Cid.."O sa America..... sa Dubai..... sa Iraq... sa Afghaistan! SA TIMBUKTU!!!!" Galit na namamaos na sigaw ni Cid.. "Jordan hindi ko alam! Hindi ko na alam!! Bakit mo ba ko pinapanguahan??"
Jordan: "Cid..........." naiiyak na pakiusap ni Jordan "Cid tama na.. Hindi na..."
Inatake na ng hika si Cid... At tuluyan itong hinimatay. Nang mapahiga sa sahig...
Jordan: "Cid...? CID !!" Matinding iyak ni Jordan sabay nag CPR habang wala pang tulong na dumadating.. pinulsuhan ni Jordan ang kamay at leeg ni Cid, sabay dama ng heartbeat nito... sobrang hina....
Jordan: "STRETCHER!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Napansin na ng airport security ang nangyari at may mga lumalapit nang paramedics..
Sinugod nila si Cid sa Makati Med..
==================================================
Chapter 7 - GBS
Sa Makati Med Emergency Entrance binaba si Cid mula sa stretcher at inilipat sa isang hospital bed habang naka suot ng oxygen mask..
Habang tumatakbo papuntang ER.. Hinahabol si Jordan ng isang nurse na may hawak na clipboard..
Nurse: "Sir name po ng Patient?"
Jordan: "Hyacinth. Hyacinth Lao."
Nurse: "Age po?"
Jordan: "17.."
Nurse: "What happened po?"
Jordan: "Over stimulation of the vagus nerve. Then blood flow from the brain was temporarily reduced because of an irregular heartbeat. I checked her pulse rate many times mula sa airport the lowest was 32! Somebody please check vital stats now!" Naluluhang samo ni Jordan "Please! Please!"
Nang marating ang ER, ginupit ng nurse ang damit ni Cid. Sinecure ang oxygen tank sa tabi nya at nanatiling suot niya ang oxygen mask. Naiwang nanonood at umiiyak si Jordan sa labas ng pintuan ng ER nang isara ng nurse ang dalawang pintuang may pahabang silipan..
Dumating ang isang doctor sa loob ng ER na naka facemask din kagaya ng lahat...
Doctor: "Vital signs!"
Nurse1: "Patient name Hyacinth Lao. 17 years old. Pulse rate still consistently low at 32, temperature 36 degrees, BP 85/55."
Dotor: "85/55??? Check the pulse oxymeter.."
Nurse1: "Yes doc.. Respiratory rate....."
Doctor: ".... what??"
Nurse1: "7.. 7 doc.."
Nurse2: "She's not breathing.. She's not breathing!!"
Nurse1: "EKG is flat! EKG is flat!!" Sabay hinto ng lightning pulse ng EKG at tuluyan na itong nag flat at tumunog ng diretsong tunog... indikasyon na wala nang pulso at oxygen intake ang pasyente..
Doctor: "Time is of the essence!!!! Let's conduct defibrillation now!!" sigaw ng doctor.
Nurse1: "Doc. Shock paddles..." iniabot ang defibrillation paddles..
Doctor: "Charge!!" at tinapat ang metal paddles sa kanang dibdib at kaliwang tagiliran ni Cid... Tumalbog ng bahagya ang katawan ni Cid.. Wala.. zero parin ang EKG..
Doctor: "Charge!!" Muling subok ng doktor... Wala paring pagbabago.. "Check impedance!"
Nurse2: "40 ohms.."
Doctor: "Okay, increase to 300 joules! Charge!!!" At muling sinubukan ang pag revive...
Cid: "Hhhhhhhhhhhhhhhhh!" Hingang paloob ni Cid.. Nagising ito at huminga ng malalim.. At biglang nabuhay ang paghampas ng pulso at tunog ng EKG..
Si Cid, nakatulala lamang sa kisame habang ibat ibang kamay ang nagpupunas sa kanyang kamay at paa, nagpapainom ng tuibg, nag che-check ng mata at ng pulso niya...
Lumapit ang doktor sa may exit door ng ER at tinanong ang nurse sa reception..
Doctor: "Nasan yung kasama ng pasyente?"
Nurse1: "Nasa labas po sir.. Nakaupo..."
Sumilip sa labas ang doctor upang ibalitang okay na ang pasyente... Nang makita niya si Jordan, hindi na sya tuluyang lumabas at pinagmasdan lamang si Jordan..
Central speaker: "Paging Doctor C, Doctor C.. Please proceed to cardiology laboratory.."
Doctor: "I'll go ahead team."
Samantala, sa labas ng ER.. Nag hihintay parin si Jordan.. Nakatulog sya habang nakaupo sa mga upuan sa labas ng ER nang biglang mag ring ang kanyang cell phone.
Jordan: "Ma...?"
Lorraine: "Sino ikaw dala ospital? Ikaw melon gerflend?"
Jordan: "Ma... Please wag ngayon please?"
Lorraine: "Ako iyo niroroko nanaman! Bakit ikaw hindi pakilala yan? Ako block iyo credit card!"
Sabay bagsak ng telepono..
Samantala, lumabas na ang head nurse sa ER...
Head Nurse: "Hi Mr Castillo right?
Jordan: "Yes po nurse kamusta na yung girlfriend ko?"
Head Nurse: "She lost consciousness and her vital signs deteriorated.. but we were able to revive her.."
Jordan: "Thank you nurse.. Nasan pala si doc?"
Head Nurse: "He's in the cardio lab sir.. Sir, pa settle muna ng billing and some meds for Hyacinth. We need to transfer her to the ICU for 1 day.. Ito ho" at inabot kay Jordan ang initial bill pati na rin ang mga kailangang gamot "ASAP yang gamot sir. Thank you.."
Sa billing..
Jordan: "Miss.." sabay abot ng billing statement..
Billing: "Sir, 12,000 po subtotal ng amount due.. babayaran na po?"
Jordan: "Credit card ko miss.." Inabot nya ang black VISA credit card..
Billing: "Sir no access po.."
Jordan: "Anu ba naman ma..."
Nang biglang may nag abot ng brown envelope sa may bandang kaliwa ni Jordan..
Conrad: "Son... Take it." Napatingin si Jordan...
Jordan: "Tito... Tito Conrad!" Sabay yakap nito.. "Ikaw?" manghang tanong pa ni Jordan
Conrad: "She'll be okay.. Just stay beside her... She's a brave girl... I have to go. Baka maabutan ako ng mom mo."
Sabay lakad palayo ni Conrad ng bigla syang tawagin ni Jordan at napahinto sya.
Jordan: "Dad!" Syang lingon ni Conrad sa kanyang step-son.. "Dad..... Dad thank you."
Ngumiti si Conrad at naglakad nang muli palayo...
Nailipat na sa ICU si Cid at sya ring dating ni Toni at Nanay Ester..
Jordan: "Nay, Toni, dito muna kayo bibilhin ko lang gamot ni Cid.."
Nanay Ester: "Okay iho naku salamat sa Diyos."
Toni: "Ingat bebe ko!"
Jordan: "Sige iwan ko muna kayo mabilis lang ako.." at bumili na ng gamot si Jordan
Sa Front Desk ng hospital..
Lorraine: "Yung patient kanina ER.. Doctor Castillo attending physician.. Ikaw alam saan dala pasyente?"
Front Desk: "Ma'am sa ICU po 2nd floor turn right.. curtain 3.."
Umakyat sa ICU si Lorraine habang tinatawagan si Jordan..
Lorraine: "Hello!"
Jordan: "Ma!"
Lorraine: "Ako sundo na sayo. Tayo uwi na ako akyat na ICU."
Jordan: "Hello ma! Ma wala ako dyan wait for me. Ma!" Sabay baba ni Lorraine ng telepono..
Nang makarating sa ICU 3 si Lorraine.. Napatingin lang siya kay Cid, at tinitigan mula ulo hanggang paa si Nanay Ester at Toni..
Lorraine: "Sino ikaw?"
Toni: "Nay sinong yang dumating.." bulong ni Toni sa ina..
Nanay Ester: "Hindi ko alam anak eh mukhang mayaman.." bulong na sagot din ni Ester sa anak niya. "Ah eh Ester ho.. Ester Aguinaldo.." nakipag kamay si Ester ngunit tinitigan lang siya ni Lorraine.
Lorraine: "Lorraine.. Lorraine Castillo.. Ikaw kilala akin anak Jordan?"
Nanay Ester: "Aaaaah. ehe.. nanay ho pala kayo ni Jordan.. Nice to meet you ho.. ay anak ko nga ho pala si Toni"
Toni: "Hello madaaam."
Nanay Ester: "Bulag ho ang anak ko pasensya na kayo.. Eh nako si Jordan pabalik na ho yun bumili lang ng gamot ni Cid."
Lorraine: "Cid?"
Nanay Ester: "Cid po. Eto hong si Hyacinth yang pasyente. Girlfriend ho ni Jordan"
Lorraine: "Aha! Piaosi.. Yan ang hut-hot akin anak!"
Nanay Ester: "Naku eh anak-anakan ko na ho yan.. Wag naman ho ganyan misis napakabait hong bata niyan ni Cid. Pero hindi po Aguinaldo ang ginagamit nya ha? Pagkat buo naman nyang nasabi sa akin yung pangalan nya nung kinupkop ko siya..."
Lorraine: "Anu kanya last name? Pilipino name? Sinasabi ko na nga! Siya hindi pili Chinese!"
Nanay Ester: "Naku hindi ko ho alam eh pero Lao ho. Hyacinth Lao.."
Natigilan si Lorraine at nanlaki ang mata.. Napalagay sa bibig ang kanyang kamay.. at tinitigan pang maigi si Cid.. At napalingon din ito kay Toni.. Pabalik balik ang baling ng tingin niya kay Cid at Toni habang umaagos ang luha na hindi niya maipaliwanag..
Lorraine: "Hya............ Hyacinth...... Lao??" Napahawak sa dibdib si Lorraine sabay alis nito palabas ng kurtina.. takang taka parin sa sarili si Lorraine sa kanyang natuklasan...
Flashback 1995.. sumakay ng trycicle ang batang Lorraine kasama ang kanyang anak na si Jordan.. mga bandang alas otso ng gabi..
Lorraine: "Manong ikaw bilisan maneho ah! Baka kami anak ko iwan eroplano!"
Jordan: "Mom, where are we going? Are we going to meet papa in France?"
Lorraine: "No. We going Ameli-ca. We live there with Tito Con-lad ok? You study there and meet new friends. No ask me again okay?"
May isang batang lalaki na naglalaro sa kalye
Batang lalaki: "Step....?" "No." "Step....?" "No."
Jordan: "Mommy there's a kid!" sigaw ng batang Jordan ng makitang may masasagasaang batang nag pipiko habang kinukuha ang tumalsik na pamato.
Batang lalaki: "Aaaay motherrrr!!!! Aaaaaaaaaaaaaaaay!!!" gulat na sigaw ng bata sa trycicle na bubunggo sa kanya...
Nabundol ng trycicle nila Lorraine ang batang lalaki at tumilapon ito ng bahagya, hanggang humampas ang ulo sa kalsada.. Umagos ang dugo nito mula sa likod ng batok pausbong sa paligid ng kanyang ulo.. Samantala, may isa pang batang tumulong sa batang nabunggo..
Batang babae: "Tulungan nyo kameeee!!!" sigaw at iyak ng batang babae. "Huuuu mama mary.. tulungan nyo po kami...." siyang tingala ng bata sa langit.. Panay ang lingon ng batang babae sa paligid habang umiiyak "Tulooong!!" hanggang may isang sekyu na lumapit upang tulungan siyang dalhin sa ospital si Toni..
Napatingin si Lorraine sa batang babae na nakaupo sa kalsada habang nasa hita nito ang ulo ng batang lalaki na dumudugo ang ulo at mata..
Lorraine: "Manong! Tayo alis na dito! Mga bwiset na pulubi! Sila pinabayaan ng nanay! Istorbo! Piaosi! Tara na!"
At tuluyan nang umalis ang trycilcle..
Balik sa kasalukuyang panahon....Umiyak sa labas ng kurtina si Lorraine at sumilip muli sa loob kay Cid at Toni.. bago ito tuluyang umalis..
Nakabalik na si Jordan sa ICU 3 pero wala na ang kanyang mom..
Jordan: "Si ma? Nandito raw sya?"
Toni: "Oo noh.. parang baliw.. Nag i-iiyak nga eh. Nanay mo pala yun bebe ko? Naku ha! Anu bang nakaka iyak sa mga pangalan namin? Nung una ang taray taray parang nabili na nya kami.."
Tinawagan ni Jordan si Lorraine..
Jordan: "Hello Ma? Nasan ka na? I told you wait for me diba?"
Lorraine: "Ako tawag na iyo kedit card company.." malalim na sambit ng kaiiyak lang na si Lorraine habang nagmamaneho pauwi.. "Ikaw gamit na kedit cards mo.. Use them." Sabay malumanay na ibinaba niya ang cell phone..
Jordan: "Huh?" nagtatakang baba din ng cell phone ni Jordan..
Dumating si Conrad...
Nurse: "Hi sir.. Hi mam.. Rounds lang po.. attending physician nyo po si still Dr Conrad Castillo..."
Conrad: "Jordan... Can I talk to you and Cid's family..? Ladies.. 5 minutes... Please.."
Nurse: "Okay doc.. Let's go guys.." lumabas ang mga nurse habang kinakausap ni Conrad ang pamilya..
Conrad: "GBS........... She has GBS.."
Jordan: "Dad... ?"
Conrad: "Yes.. Guillain-Barre Syndrome..
"She has 6 months to live............."
"I'm sorry..."
Nanay Ester: "Doc.. Ay ala.. ako'y natatakot dine at akoy naka-ka-rinig ng ika nyo'y taning ba kamo?"
Toni: "Jordan.. Bakit ganun?" matinding iyak ni Toni "Bakit ang bilis naman yata.....? Kawawa naman ang bestfriend ko...." iyak pa niya..
Conrad: "Son, ayaw kabalaka.. Maluoy ang ginoo (Son wag ka mag alala may awa ang Diyos)"